“I play a movie extra and a double, so I don’t really have to look good or be well-dressed or fully made-up. That is what excites me and challenges me at the same time—how I can be able to transform into a character so different from who I am, from how people have known me for all these years.”– Vilma Santos

Gawad parangal kay Lolo at Lola; Pamilyang Batangueño Hatid ng Kapitolyo

admin November 19, 2012 0
Gawad  parangal kay Lolo at Lola; Pamilyang Batangueño  Hatid ng Kapitolyo

Patuloy ang Pamahalaang  Panlalawigan sa pagbibigay halaga at pagkilala sa nakakatatanda at mga tagapagtaguyod ng mga ulirang pamilya matapos nitong bigyan ng parangal ang mga ito sa ginanap na Senior Citizens Week at  Huwarang Pamilyang Batangueno 2012.

May temang “ Nakatatanda : Tanglaw ng Bayan Kaagapay sa Matuwid na Daan “ binigyang pag kakataon ng pamahalaang panlalawigan na ipamalas ng mga Lolo at Lola mula sa iba’t- ibang distrito ang kanilang mga talento sa pag indak at pag awit  sa programang inihanda para sa kanilang kasiyahan.

Naging pangunahing tagapagsalita sa okasyong ito si Batangas na siya ring nanguna sa pagbibigay pagpapahalaga sa mga super lolo at lola ng binubuo ng mga senior citizens federations ng lalawigan ng Batangas.

Naging tampok sa okasyon ang pagkilala sa mga Centenarians ng lalawigan o yaong mga lolo at lola na may 100 taong gulang o higit pang nabubuhay.

Kasama ang mga opisyal ng Sangguniang Panlalawigan sa pangunguna ni Vice Governor Mark Leviste  at personal na inihandog ni Governor Vi ang  pagkilala at tulong pinansiyal sa 42 Centenarians.

Sa mensahe ng Gobernadora, sinabi nito na patuloy na titingalain ng kaslukuyang henarasyon at ang mabubuting  pundar at ambag na legasiya ng ating mga nakakatatanda sa kasalukuyang panahon at kaisa ang kanyang administrasyon sa patuloy na pagsuporta sa mga panukala at lehislatura na nagsususlong sa pagbibigay sukli sa mga  karapatan ng mga Senior Citizens.

Kasabay nito,  binigyang pagkilala din sa okasyon ang  5 Huwarang Batangueno na nagpakita ng kakayahan at kabutihan sa pagtataguyod ng pamilya na siyang naging salamin ng kanilang pamayanan sa pagtataguyod ng mga mabuting lipunan.

Sa taong 2012  hinirang bilang Idolo ng Pamilya ang angkan nina G. at Gng. Ricardo de Castro ng bayan ng Mataas na Kahoy , itoy sinundan ng pamilya ni G. at Gng. Cezar de Castro ng Lungsod ng Batangas, 2nd runner up ang pamilya nina G. at Gng. Norberto Palibiran ng San Luis,  3rd runner up ang pamilya ni G. at Gng. Prudencio Bañaga ng Padre Garcia at 4th runner up ang pamilya ni G. at Gng. Domingo Marasigan ng San Pascual./ Edwin V. Zabarte; Batangas PIO

Leave A Response »

Close
Please support the site
By clicking any of these buttons you help our site to get better

Twitter

Facebook

Google+